
Audio is streamed directly from the publisher (opentablemcc.ph) as published in their RSS feed. Play Podcasts does not host this file. Rights-holders can request removal through the copyright & takedown page.
Show Notes
I thank my God for every remembrance of you, always in every one of my prayers for all of you, praying with joy for your partnership in the gospel from the first day until now. I am confident of this, that the one who began a good work in you will continue to complete it until the day of Jesus Christ.
Philippians 1:3-6 NRSVUE
“I am the true vine, and my Father is the vine grower. He removes every branch in me that bears no fruit. Every branch that bears fruit he prunes to make it bear more fruit. You have already been cleansed by the word that I have spoken to you. Abide in me as I abide in you. Just as the branch cannot bear fruit by itself unless it abides in the vine, neither can you unless you abide in me. I am the vine; you are the branches. Those who abide in me and I in them bear much fruit, because apart from me you can do nothing.
John 15:1-5 NRSVUE
Pakinggan natin ang sinasabi ng Espiritu Santo sa atin ngayong araw. Nawa’y ang pangangaral na ating matatanggap ay magbigay-inspirasyon, kalinga, at hamon sa atin. Amen.
Kanina, nabanggit ng ating Hermanan na gumagamit tayo ng mga kanta nina Adele at Lady Gaga. Pero ngayon, ibang klaseng kanta ang gagamitin ko—isang K-pop song.
Bago ako magsimula, may ipaparinig ako sa inyo. DJ, pasensya na Chris dahil baka ma-copyright tayo, pero gaya ng sabi ko, ito ang ganda ng preaching sa isang inclusive church—meron tayong mga contemporary readings.
Ang pamagat ng kanta ay “What It Sounds Like” ng Huntrix. Ito ang huling kanta sa Netflix movie na KPop Demon Hunters (na ngayon ay Oscar’s best animated feature film). Para sa akin, maraming bahagi ng movie ang queer-coded at ang plot mismo ay isang malakas na queer allegory, partikular sa pag-explore ng themes ng shame at coming out.
Ang kantang ito ay sumasalamin sa kwento ng mga queer Christians. Ang unang verse ay nagpapaalala sa akin ng aking karanasan bago ako nag-come out. Nagsisimula ito sa isang tapat na pag-amin: marami sa ating mga queer Christians ang dumaan sa hiya dahil sa kung sino tayo. Sinubukan nating ayusin ito at nagdasal tayo nang marubdob sa Diyos na baguhin tayo.
Nung umuwi ako sa Cavite kamakailan, hinanap ko ang dati kong diary. Hindi ako consistent sa pagsusulat, pero kapag may dinaramdam ako, isinusulat ko ito. Ang simula ng bawat entry ko ay “Dear Jehovah” dahil iyon ang tawag sa Diyos sa kinalakihan kong relihiyon bilang Jehovah’s Witness.
May isang pahina doon na ang sabi ko sa Diyos, “Bakit niyo po ako ginawang ganito? Ang hirap-hirap”. Ang prayer ko pa nga noon, gawin niyo na lang po akong bisexual para man lang may option ako at maitawid ko pa rin. Sa dulo ng diary, nakiusap ako sa Diyos na huwag sana akong ma-fall sa aking first love. Pero walang nangyari sa pagbe-beg ko. Siguro ang sabi ng Diyos sa akin, “Deserve mo anak, i-experience mo ‘yan.” Doon natapos ang diary dahil lumandi lang talaga ako at hindi na ako nag-pray.
Siguradong may ganyan din kayong moments. Sinubukan ninyong labanan ang inyong nararamdaman at ni-repress ang inyong mga emosyon. Gaya sa kanta, baka nagsinungaling kayo sa inyong pamilya, kaibigan, at lalo na sa inyong sarili. Naramdaman ninyong wala ang Diyos sa inyong panig.
Ang mga karanasang ito ay nangyari dahil ang tingin ng maraming simbahan sa queerness ay “unholy”. Madalas sa kanila, ang kabanalan ay kapareho lamang ng moral o sexual purity, o kaya ay pag-conform sa mga tradisyon.
Malamang isa yan sa rason bakit kayo narito sa Open Table, dahil na-realize ninyo na ang listahan nila ng rules ay hindi naman talaga sukatan ng holiness. Bawal ang premarital sex, bawal ang same-sex relationships, pati ang pag-aayos ng sarili ay binabantayan. Dahil sa mga rules na ito, marami ang nakakaramdam ng guilt. Sa mga Katoliko, tinatawag itong “Catholic guilt”. Pero ang totoo, karamihan sa mga rules na iyon ay hindi naman talaga Biblical.
Sa framework na ito kung saan “conformity” ang goal, nakondisyon tayo na ikahiya ang ating mga katawan at relasyon. Pati ang ating mga straight allies ay biktima rin ng sistemang ito. Ang turo sa kanila, ang sex ay regalo ng Diyos pero sa loob lang ng kasal. Ninakawan sila ng purity culture ng pagkakataong intindihin ang kanilang mga katawan at ang tunay na kahulugan ng intimacy.
Na-witness ko kung gaano ka-obsessed ang mga simbahan sa purity. Sa dati kong church, bawal lumabas ang couple nang silang dalawa lang; dapat laging may “chaperone”. Noong bata ako, pabor ito sa akin dahil lagi akong libre sa pakain kapag isinasama ako ng tita ko sa date nila ng boyfriend niya.
Bukod doon, matindi rin ang pressure sa mga couple na magpakasal agad para “hindi magkasala”. Sa mga Jehovah’s Witness, maximum na ang dalawang taon ng dating; kapag lumampas doon, minamata na kayo. Kahit hindi pa ready ang couple—hindi lang sa financial kundi pati sa emosyon—napipilitan silang magpakasal dahil sa takot sa “sexual immorality”. May malaking stigma rin, lalo na sa mga kababaihan, pagdating sa virginity—na kapag nawala ito ay “marumi” ka na.
Bukod sa pressure na magpakasal, matindi rin ang pressure sa mga kababaihan na manatiling birhen hanggang kasal. Mas malaki ang stigma sa kanila; kapag nawala ang kanilang virginity, itinuturing na silang “marumi” at parang wala nang halaga. Ang mga straight women ay tinuruan din na maging submissive sa kanilang mga asawa, habang ang mga lalaki naman ang dapat na may final say sa lahat ng desisyon.
Ang ganitong sistema ay hindi lang nakakaapekto sa mga kababaihan kundi pati sa mga lalaki, dahil itinuturo nito na ang intimacy ay tungkol lamang sa kontrol at hindi sa mutual respect at pag-ibig.
Dito pumapasok ang ating pagbasa mula sa Filipos. Sabi ni Pablo, “May tiwala ako na ang nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay ipagpapatuloy ito hanggang sa ganap na matapos sa araw ni Jesu-Cristo”. Ang “mabuting gawa” na ito ay ang proseso ng sanctification o pagpapakabanal.
Sa maraming simbahan, ang sanctification ay tinitignan bilang isang checklist ng mga bawal at dapat gawin. Pero ang tunay na kahulugan nito ay ang patuloy na paghubog ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang grasya. Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto sa mata ng tao, kundi sa pagiging tapat sa kung sino tayo sa harap ng Diyos.
Sa ating Ebanghelyo, binanggit ni Jesus na Siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga. Ang pagbubunga ay hindi nangyayari dahil sa sarili nating pagsisikap na sumunod sa mga panuntunan ng tao. Nangyayari ito kapag tayo ay nananatili sa Kanya.
Para sa ating mga queer Christians, ang pananatiling ito ay nangangahulugan ng pagtanggap sa ating sarili bilang mga nilalang na minahal at tinanggap ng Diyos. Ang mga “pruning” o paglilinis na binanggit sa Ebanghelyo ay hindi ang pagtanggal sa ating pagkatao, kundi ang pag-alis sa mga shame, guilt, at takot na humahadlang sa atin na magmahal nang lubos.
Ang pagiging isang inclusive church gaya ng Open Table ay isang hamon sa tradisyonal na konsepto ng kabanalan. Ipinapakita natin na ang kabanalan ay matatagpuan sa pag-ibig, sa pagtanggap, at sa pagiging totoo. Hindi kailangang ikahiya ang ating mga katawan o ang ating mga relasyon dahil ang mga ito ay bahagi ng mabuting gawa na sinimulan ng Diyos sa atin.
Gaya ng kanta ng Huntrix na “What It Sounds Like,” ang ating kwento ay hindi na tungkol sa pagtatago o pagsisinungaling. Ito ay tungkol na sa pagbangon mula sa hiya at pagyakap sa liwanag ng katotohanan.
Sa dulo ng kanta, may pagbabago sa tono—isang pagtanggap na hindi kailangang maging “normal” o sumunod sa dikta ng iba para maging karapat-dapat. Ang ating mga kwento bilang queer Christians ay hindi nagtatapos sa hiya. Gaya ng sinabi ni Pablo, ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa atin ay hindi tayo iiwan sa gitna ng daan.
Ang bawat “Dear Jehovah” entry sa aking diary, ang bawat dasal ninyo na sana ay maging “straight” na lang kayo, ay bahagi ng mahabang proseso. Ngayon, ang ating mga katawan at relasyon ay hindi na tinitignan bilang “unholy” kundi bilang mga sisidlan ng grasya ng Diyos.
Ang sanctification ay hindi isang biglaang pangyayari kundi isang mahabang paglalakbay ng pagpapakabanal. Ito ay ang patuloy na paghubog ng Diyos sa atin, hindi para maging kamukha ng mga tradisyon ng tao, kundi para maging mas malapit sa puso ni Cristo.
Huwag nating hayaan na ang “purity culture” ang magdikta ng ating halaga sa harap ng Diyos. Ang ating pananatili sa “Puno ng Ubas” ay sapat na para tayo ay magbunga. Hindi natin kailangang baguhin ang ating pagkatao para mahalin ng Diyos; sapat na ang tayo ay manatili sa Kanya.
Sa huli, ang ating pananampalataya ay hindi tungkol sa mga listahan ng bawal. Ito ay tungkol sa kagalakan ng pagkilala sa Diyos na tumitingin sa puso at hindi sa panlabas na anyo o oryentasyon. Nawa’y magpatuloy tayo sa paglalakbay na ito nang may kagalakan at pag-asa, alam na ang Diyos ay kasama natin sa bawat hakbang.
Amen.
The post Purity and Sanctification appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.