
Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast
517 episodes — Page 10 of 11

Ep 65#65: SELOSONG ENGKANTO HORROR STORY - PINOY ENGKANTO STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
SELOSONG ENGKANTO HORROR STORY - PINOY ENGKANTO STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Nangyari po ito nitong isang taon lang, September 5, 2022. Nangyari ito sa lugar namin sa probinsya ng Cebu. Sa aming paaralan na dating sementeryo noon. Nang dahil sa Bagyong Odette, marami ang nasira sa eskwelahan. Isa ako sa kinuhang magkukumpuni dahil kilala ako ng prinsipal. Kasama ko sa pag-aayos ang papa ko na itatago ko na lang sa pangalang Meo. Sabay kaming pumunta sa paaralan at sa unang araw namin ay nagsimula agad kaming magtrabaho para mabilis matapos ang gagawin. Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho namin, may narinig akong tumatawang babae."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 64#64: BAKASYON HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BAKASYON HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Joey ng Bulacan, 27 years old, pero 17 ako nang mangyari ang pinakamadilim na yugto ng buhay ko. Ang Gabi kung kailan namatay ang isa kong pinsan, at kamuntikan ding sumunod agad kaming mga natira. Kung hindi po sa maagap na tulong ni lolo, malamang patay na kami dahil sa katigasan ng mga ulo namin. Malamang naubos na kami ng bantay ng sapa."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 63#63: TSISMOSA HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
TSISMOSA HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Naalala ko pa noong dalaga ako at nakatira pa sa Masbate, talamak ang tsismis sa lugar namin. Aminado ako na isa ako sa palaging pinagkukunan ng tsismis ng mga taga sa amin. Kilala kasi akong mosang.May isang babae na nag ngangalang Celeste na laging laman ng tsismis. Paano ba naman kasi, sa lahat ng tao sa amin, siya lang ang tila mailap sa mga tao. Napaka wirdo niya at kapag kakausapin, palaging mapungay ang mata at laging wala sa sarili. Hinala ko nga noon sa kanya ay isa siyang mangkukulam."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 62#62: IYAK NG MGA SANGGOL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
IYAK NG MGA SANGGOL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Alice. Ang ibabahagi ko sa inyong kuwento ngayon ay isa sa mga isinalaysay sa akin ng Lola ko. Marami siyang mga ikinuwento sa akin tungkol sa iba't ibang mga kababalaghan. Pero, dito sa kuwento niyang ito ako nakaramdam ng matinding kilabot at maging awa.Noong dalaga pa raw siya, may isang kubo sa kanilang baryo sa Isabela. Hindi naman gaanong kalakihan, tsaka hindi rin kalayuan sa bahay nina lola. Nakatayo nga lang ito sa may dulong bahagi ng baryo; malapit sa bukana ng gubat. Kubo 'yon ng isang kumadronang si aling Suling."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 61#61: HOLEN HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
HOLEN HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Duwag ako. Napakaduwag at napakasama kong ate. Siguro nga, nabigyan ko ng hustisya ang nangyari kay Timmy. Pero, kung sana, naging matapang lang ako, nilakasan ang loob imbes na nagpalamon sa takot kay mama, siguro, kasama pa namin si Timmy hanggang ngayon. Siguro, baka may nagawa pa ako para manatili kaming buo. Siguro, hindi ako nabubuhay sa karimlang hindi ko na matakasan."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 60#60: RIDER SERVICE HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
RIDER SERVICE HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Edward, taga-Tagum City, Davao del Norte. Isa po akong rider ng isang sikat na food delivering service. May kinalaman po sa trabaho ko itong ikukuwento ko; noong makatanggap ako ng isang kakaibang order. Isang karanasang talagang yumanig sa konsensiya ko."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 59#59 QUEZON CITY MEDICAL CENTER - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BABAE SA BANYO HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Rhiza, single mom mula sa Muntinlupa City. Isa po akong caregiver sa AFP, V-Luna Medical Center. Inalok ako ng kaibigan kong doktor na doon matulog sa pribado kwarto niyang kwarto sa ospital. Habang nakahiga ako sa hospital bed, naririnig ko ang iyak ng isang babae sa aking paanan. Nang tingnan ko, nakasuot siya ng hospital gown at kalbo siya. Ang ipinagtataka ko lang, sa tuwing tinatangka kong kausapin siya, bigla na lang akong nakakatulog."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 58#58: BABAE SA BANYO HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BABAE SA BANYO HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Jean at nagtatrabaho dito sa Pasig City. Hindi ako matatakuting tao at hindi rin ako naniniwala sa mga multo. Noon yun. Kaya ako na mismo ang nagsasabi sa inyo; totoo sila. Nangyari itong nakakapanindig balahibo kong karanasan noong February 20, 2023 sa opisina namin."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 57#57: GINBILOG ALBULARYO HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
GINBILOG ALBULARYO HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ang kwentong ko po ay base sa tunay naming karansan at pinakatatatagong lihim ng aming pamilya. Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Annie, dalawampu’t dalawang taong gulang po na taga-Antipolo. Lumaki po ako sa simple at maayos na buhay, hindi mayaman, hindi rin naman mahirap.Bata pa lang po ako noon, nasa edad na siyete anyos nang makakaranas ako ng kababalaghan. May third eye po ako at inborn ito sa akin. Una akong nakita ang isang engkantong babae. Napapaligiran ng mga puno ang aming lugar at malapit kami sa sapa."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 56#56: LUMANG ESKWELA SA ILOILO CITY HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
LUMANG ESKWELA SA ILOILO CITY HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Engkanto at Sapi. Ako po si Cris ng Iloilo. Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akin noong ako ay high school student dahil noon, wala akong kamalay-malay na sinasapian na pala ako. Kaunting panahon na lang ay kukunin na raw ako ng nakasapi sa akin. Pero mas ikinagulat ko nang malaman kung anong klaseng nilalang ang gustong angkinin ang aking katawan."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 55#55: CARWASH BOY HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
CARWASH BOY HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Bandang 6PM nang maka encounter ako ng kakaibang kostumer. Ako lang mag-isa noon sa shop. Nauna na kasing umuwi 'yong mga kasama ko. Magsasara na nga po sana para makauwi na. Pagod na pagod na kasi ako noong araw na 'yon at gutom na rin ako. Pero biglang may pumarada na isang pampasaherong jeep sa harap ng shop, tapos bumaba ang isang matandang driver."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 54#54: SEKYU NG PAARALAN HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
SEKYU NG PAARALAN HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Nangyari itong isasalaysay ko Pebrero noong 1992. 4th year high school ako noon sa isang public school dito lang din sa amin. Alas syete y medya ng umaga. Late na ako pero paeasy-easy lang akong naglalakad noon habang pinapatalbog ang dala kong bola na hiram ko lang sa kaklase ko. Tumama 'yong bola sa isang bato at tumalbog papunta sa puno ng Macopa. Kukunin ko na sana, kaso bigla kong napansin ang isang batang babaeng nakaupo sa may paanan ng puno."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 53#53: CEBU HOSPITAL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
CEBU HOSPITAL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Maggi ng Cebu. Dati po akong nurse sa isang sikat na private hospital dito sa Cebu City. Hindi ko babanggitin 'yong pangalan, pero meron itong medical school. Night shift ako, kaya madalas talaga may nakikita akong kakaiba. Karaniwan na sa akin ang makaramdam ng kakaiba doon, gaya ng mga multo. Hindi ko nga lang naisip noon na may mas malala pa pala sa kanila."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 52#52: GINAMBALA NG KALULUWA HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
GINAMBALA NG KALULUWA HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Abner. Taga-North Luzon po ako. Tindero ako sa isang tindahan ng mga yero at mga gamit sa paggawa ng bahay. Dalawang buwan na akong nagtatrabaho dito nang maging kaibigan ko si Nilo na isang tricycle driver. Katabi kasi ng tindahan namin ang mismong terminal nila kung kaya’t nakikipagkwentuhan siya sa akin habang naghihintay ng pasahero. Sa kanya ko nalaman na ang pinalitan ko palang dating tindero sa tindahang pinapasukan ko ay nagpakamatay."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 51#51: DORM HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
DORM HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Tina. Nag-aral ako noon sa isang Catholic boarding school. Madami pong rules and regulations ang kailangan naming sundin at isa na dun ang bawal magsalita pagkatapos namin dasalin ang night prayer namin. Pero sadyang makulit po talaga ako nun kaya nakipag kwentuhan pa rin po ako kay Shirley na katabi ko sa kama. Tawa po kami nang tawa nun nang may mapansin akong taong biglang pumasok sa dorm namin. Tumigil siya sa gitna ng bedroom at tumingin sa direksyon namin. Ilang minuto pa siyang tumayo dun at parang galit na nakatingin samin."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 50#50: SIMBAHAN HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
SIMBAHAN HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Lena. Unang beses kong maranasan ang nakakakilabot na pangyayari sa aking buhay ay noong tumira ako sa simbahan. Namatay kasing parehas ang mga magulang ko sa aksidente. Hindi ko naman kilala ang iba naming kamag-anak kaya naging palaboy ako. Mabuti na lang at mayroong mabait na pari. Pinatira niya ako sa simbahan at bilang sukli ay nagpakabuti ako doon at nagsilbi. Maayos naman ang naging pamumuhay ko roon pero hindi ko inasahan na makakakita ako ng isang kaluluwa sa loob ng mismong simbahan."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 49#49: GUBAT: ENGKANTO STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
GUBAT: ENGKANTO STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Nelson. Nagbakasyon po ako sa probinsya ng pinsan ko sa Ilocos at doon ko naranasan ang kakaibang bangungot. Akala ko ay simpleng bangungot lang ito pero ayon sa pinsan ko, dulot pala ito ng tinatawag nilang Batibat. At ito ang ikukwento ko sa inyo, kung paano ako nasundan ng ganitong klaseng engkanto na mula sa gubat na di nalalayo sa bahay ng pinsan ko."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 48#48: HOTEL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
HOTEL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Maraming kababalaghan ang aming naranasan sa halos apat o limang taon naming magkakasama sa isang 3 star resort hotel sa Laguna. Gabi na nang matapos ang seminar na ginawa sa function hall ng isang kilalang kumpanya na naka-check in sa amin dahil doon si Boyet na lang at isang banquet service ang natira sa hotel. Maya-maya raw ay biglang umingay sa sarado ng function room na animoy may nagwawala."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 47#47: HATING GABI HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
HATING GABI HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcastSitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 46#46: SANTELMO HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
SANTELMO HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Nakatatakot ang mga sementeryo, lalo 'yong mga malalaking public cemetery kung saan patong patong na ang mga nitso. Nakahihilo kasi silang tignan, kaya madali kang maliligaw kahahanap sa puntod na dadalawin mo. Hindi mo rin maiwasang mapaisip na, baka, may mga multo at malignong gumagala sa paligid. At ganoong klaseng kilabot nga po ang naranasan naming magpipinsan nang dalawin namin si lola noong 2018."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 45#45: MOTEL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
MOTEL HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Lloyd. April 2017, bumiyahe po ako galing Gen. San. papuntang Davao para tignan ang food stalls namin sa iilang mga malls doon. Gamit ko lang ang lumang mini van ng pamilya namin, tapos naghanap ng murang kuwartong matutuluyan sa loob ng limang araw o isang linggo. Hindi naman po ako nahirapang maghanap, kasi marami naman talagang mga puwedeng matuluyan sa downtown ng Davao. "Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 44#44: HALIMAW SA BANGA - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
HALIMAW SA BANGA - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Juanita. Mahilig ako sa mga banga dahil maganda itong tingnan sa loob ng bahay. Pero nawala ang interes ko sa mga ito nang makaranas ako ng nakakakilabot at nakakatakot na pangyayari nang ginawa kong alkansya ang isang banga na bigay sa akin ng kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala na ang mga banga ay tinitirhan din pala ng nilalang na hindi natin inaasahan. Ang malala pa, parang kumukuha sila ng buhay."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 43#43: BASEMENT HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BASEMENT HORROR STORY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Samuel. Nagbukas ang third eye ko nang umupa ako sa isang boarding house. No’ng una, naakit ako sa mga nakikita ko hanggang sa malaman kong hindi na pala ito normal. Akala ko ay matapang ako pero, ang tapang na yun ang nagdala sa akin na takot at kilabot na akala ko’y hindi ko na malalampasan. Hindi ko malilimutan ang tila bangungot na nangyari sa akin nang matuklasan ko ang lihim ng basement sa aming boarding house."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 42#42: POON NG SANTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
POON NG SANTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Mabel. Unang beses ko pa lang makasaksi ng sinasapian. Marahas ito at walang pakundangang ginagamit pa ang mga imahen ng Santo Niño at ng iba pang mga santo para lang makapanakit ng tao. Pero noon ko lang din nalaman na ang lahat pala talaga ay may dahilan. Hindi sila sasapi at mananakit kung hindi rin sila nasaktan. Ang karanasan kong ito ang nagpatibay sa aking pananampalataya."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 41#41: BULTO NG ANINO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BULTO NG ANINO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Nagbukas ang third eye ko no’ng ako ay nasa highschool. Nangyari ito nang minsang tumitig ako sa madilim kong kwarto. Nakakita ako ng mga aninong parang sumasayaw sa dilim. Magmula no’n hindi lang anino ang nakikita ko. Marami pa palang nilalang ang nasa dilim. Lahat sila ay nagpapakita at nagpaparamdam sa akin."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 40#40: KUMAKAIN NG BANGKAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
KUMAKAIN NG BANGKAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Edna. Nangyari ito ilang taon na ang lumipas. Agosto nang kontakin ako ng nanay ko para pauwiin sa Mindanao dahil namatay na raw ang lola ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay namin, nakita ko na agad ang kabaong ng lola ko sa sala. Binalot na ako ng lungkot dahil hindi ko man lang siya nakausap bago mamatay. Ang sabi sa akin ng nanay ko, masigla raw siya sa huling gabi niya at kinabukasan ay hindi na nagising. Akala nila ay magaling na ito mula sa ilang araw na nilalagnat. Pero ang sigla pala na iyon ay huling pakita na niya."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 39#39: BABAE SA KURBADANG KALSADA - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BABAE SA KURBADANG KALSADA - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Edith. Dito po sa lugar namin sa Santa Cruz, may kurbadang kalsada na kinatatakutan kapag gabi lalo na noong panahon pa ng lolo ko. Motorista man o mga naglalakad ay ayaw dumaan doon nang mag-isa kapag madilim na. Bukod sa nasisiraan daw ang sasakyan, takaw disgrasya rin ang lugar. Ang sabi kasi nila, kapag mag-isa kang naglalakad doon o bumabyahe, bigla ka na lang maliligaw kahit tama naman ang dinadaanan mo. Minsan daw may magpapakita sa ‘yo na mga nilalang na hindi raw natin nakasanayang makita."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 38#38: OUTING SA PINK BEACH (IMBITASYON NG ASWANG) - ASWANG TRUE STORIES (PINOY HORROR STORIES) Sleep podcast
OUTING SA PINK BEACH (IMBITASYON NG ASWANG) - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Edna ng Cebu. Tungkol ito sa tatay kong halos bugbugin ako nang minsang magpaalam ako na magbi-beach kaming magkakaibigan. Ayaw niya kasi akong payagan noon, pero nakapagtatakang nag-iba ang ugali niya dahil lang sa ayaw niyang mag-outing kami sa beach. Alam kong takot ang tatay kong maligo sa dagat, pero ang nakakabaliw ay bakit sa dagat lang? Sumasama naman po sya kapag ang family outing namin ay sa ilog, pool, o lawa. Kapag may balak kaming pumunta ng dagat mag-anak, hindi sumasama si papa. Kung sasama man siya, nananatili lang ito sa bandang malayo sa mismong dalampasigan. Sumasakay naman ng bangka o barko, pero mahahalata mong hindi siya mapalagay sa ganoong biyahe."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 37#37: MATANDANG HILOT NG ASWANG - ASWANG TRUE STORIES (PINOY HORROR STORIES) Sleep podcast
MATANDANG HILOT NG ASWANG - ASWANG TRUE STORIES (PINOY HORROR STORIES) Sleep podcast"Ako si Kaloy. Helper sa construction. Kumbaga, ako ‘yong madalas nauutusan doon. Ako ang naghahalo ng semento at taga-abot ng hollowblocks. Gustuhin ko man kasing maging mason, ay kulang pa ang skills ko. Isa pa, ako ‘yong pinakabata doon sa pinagtatrabahuhan namin. Isang hapon pagkatapos ng trabaho, diretso ako agad sa bahay. Nagulat ako nang maabutan ko si Nanay at ang panganay kong kapatid na si Ate Cora na umiiyak. Mukhang mabigat ang problema. Tinanong ko si Nanay kung bakit umiiyak si ate. Sabi niya, buntis daw si Ate Cora. Ang problema, naghiwalay na sila ng kaniyang nobyo at huli na nang malaman niyang ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 36#36: REINCARNATION - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
REINCARNATION - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Ave. Noong magbakasyon kami sa Negros Occidental sa Lolo at Lola ko sa mother side ay may kakaibang bagay akong natuklasan doon. Iyon ang unang beses na pumunta ako na may isip na. Ayon kasi kina Mama, pumunta na kami noon sa probinsya pero baby pa raw ako. Nang salubungin kami ni Lola Candy at Lolo Jose. Bigla sila natigilan, kahit si Lolo Jose ay iba rin ang naging reaksyon niya. Narinig kong napa-jusmiyo pa si Lola habang nakatingin sa akin, nakikita ko sa mga mata nila na nag-aalangan siyang lumapit sa akin."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 35#35: MULTO SA CONDO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
MULTO SA CONDO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Ann, 27 years old at isang housewife. Ang asawa ko namang si Arnold ay isang Sales Manager sa isang Automotive Dealer sa Mandaluyong; 31 years old na po siya. Magtatatlong taon pa lang po kaming kasal. Dalawang taon na po kaming naninirahan sa condominium dito sa Mandaluyong. Ibinigay po sa amin itong condo unit ng aking biyenan. Ito ay lumang condo unit na itinayo noon pang 1990...at dito ko rin naranasan ang isang nakakapanindig balahibo kong karanasan. "Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 34#34: BULONG NG MANGKUKULAM - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BULONG NG MANGKUKULAM - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Sima. Nito lang October 14, 2022, may kakatuwang nangyari kay Papang na sobrang nagpakilabot sa akin. May store kasi kami sa palengke kung saan siya ang nagbabantay habang ako naman ay naggagawa sa mga gawaing bahay. Noong araw na 'yon pumunta ako sa store para magligpit ng mga gamit sa pagtitinda at nang matapos ako ay iniwan ko sina Ate Gen at Papang na nagkukoskos ng kanilang kuko. Nang makauwi si Papang at kumakain ng pananghalian nagkuwento siya na meron daw pumuntang babae sa store at bumili ng mga paninda namin—'yong mga sabon, fabric conditioner at korean luncheon meat. E, 'di ako s'yempre ay tuwang-tuwa kasi nakabenta siya ng marami."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 33#33: PARAMDAM NG MGA PATAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
PARAMDAM NG MGA PATAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Ella. Namatay po ang tatay ko sa trabaho. Isa po siyang construction worker. Bumagsakpo ang ginagawa binubuo nilang pader ng bahay no’n at kasama siya sa mganabagsakan. Dalawa po silang namatay ang iba ay nasugatan at medyo natagalanang pagpapagaling."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 32#32: PANDESAL NG DUWENDE - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
PANDESAL NG DUWENDE - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcastNaniniwala ba kayo na mayroong mga duwende na naghahatid ng swerte sa ating buhay Pinasasagana nila ang pamumuhay natin kapag tayo raw ay mababait at binibigyan natin sila ng tirahan sa ating pamamahay. Kagaya na lang ng kwento ni Jhon Mark tungkol sa kanyang lolo noong nabubuhay pa ito. Tunghayan natin ang kanyang karanasan.Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 31#31: REBULTO NG MAMBABARANG - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
REBULTO NG MAMBABARANG - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Jackie. Magsasampung taon nang hindi nagagamit ang kuwarto ni Tiya Lourdes ngunit ang mga gamit nito ay nakasalansan pa rin sa dati nitong mga puwesto. Dahil lumalaki na ang pamilya namin ni Alfred ay kailangan na naming galawin ang kuwarto upang magamit namin dahil papaupahan namin ang aming silid sa mga estudyanteng naghahanap nang matutuluyan sa semestreng iyon. Habang nililinisan namin ang kaniyang kuwarto ay may nakalkal akong isang rebultong babasagin na walang mga kamay. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling, noon ko lang din iyon nakita. Ni minsan, noong nabubuhay pa si Tiya ay hindi ko ‘yon nakita sa kaniyang silid."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 30#30: BABAENG ANGKAS - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BABAENG ANGKAS - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Isa po akong Christian, simula nang pagkabata ko, hindi po talaga ako naniniwala sa mga aswang, multo o engkanto. Lumaki kasi akong may takot sa Diyos. Nangyari ang aking karanasan na hinding hndi ko talaga makakalimutan noong September 18, 2021. Pero bago po ito nangyari, a week before may isa ring kababalaghan akong naranasan. May nagparamdam at nagpakita sa akin pero binabalewala ko lang."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 29#29 PUGOT NA ULO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
PUGOT NA ULO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Austin, dito sa baryo namin ay sikat na sikat ang kuwento tungkol sa nangangabayong pugot ang ulo. Bata pa lang ako ay ikinukuwento na sa akin ng aking Lolo Dado ang tungkol doon at naniniwala ako dahil narinig ko na ang mga ‘yon. Hindi lang isa, kung 'di ilang beses na. Pitong taon ako no’ng una kong narinig ang mga yabag ng kabayo. Naalimpungatan ako nang madaling araw, hindi ko alam kung bakit, basta na lang akong nagising at napabangon mula sa kama. Pagkaupo ay narinig ko ang yabag ng tumatakbong kabayo. Dinig na dinig ko ang yabag na ito sa kalsada na pabalik-balik sa tapat ng bahay namin pagkatapos ay tumitigil sa harapan ng gate. Kasunod no’n ay narinig ko ang pagbuga ng kabayo ng hangin na para bang napagod ito sa pagtakbo."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 28#28: MANLALAWAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
MANLALAWAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako po si Netnet at kakaiba po itong karanasan namin ng anak ko. Tungkol po ito sa tinatawag na manlalaway. Isa raw po itong mangkukulam na laway ang ginagamit na pang orasyon. Noon ko lang ito nalaman dahil naging biktima ang anak kong si Dera."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 27#27: LIBRO NG DEMONYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
LIBRO NG DEMONYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Juan, 26 years old at tubong Calamba Laguna. 2nd year High School ako noon nang utusan ako ng bayaw kong sundalo ko na linisin ang bahay nila ng ate ko, meron daw kasi silang bisita na darating. Pumayag naman ako dahil sa iisang compound lang naman kami nakatira. Bandang alas tres ng hapon iyon ng Sabado. Pagkapasok ko sa bahay ay narinig ko sa kwarto ng ate ko na nakabukas ang aircon at nag-uusap usap sila ng mga bisita nya."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 26#26: ITIM NA KAMAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
ITIM NA KAMAY - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Mayroon po kaming lumang bahay dati at nakatayo ito sa may bukid namin. Pero wala na po ‘yon ngayon dahil pinabagsak ng bagyo noon. Hindi pa po kasi ‘yon sementado. No’ng nasa bukid pa raw po nakatira ang lola ko, napakarami niyang karanasan na hindi malilimutan doon. Madalas daw po siyang nakakakita ng mga nilalang na napapadaan sa bukid namin. No’ng una raw po akala niya ay nakikidaan lang na tao dahil tinatahulan ng alaga nilang aso. Pero nang tingnan niya ang aso nila noon, natatakot daw po ito. Tumatahol daw po ito nang paatras at nakabaluktot ang buntot sa ilalim ng tiyan. Kapag ganoon daw po ang aso nila, alam na niyang hindi normal ang nakikita nito."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 25#25: DEMONYO SA SEMINARYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
DEMONYO SA SEMINARYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Ako si Bong, isa po akong guro sa pampublikong paaralan sa Maynila at naninirahan sa Imus Cavite. Ang akin pong karanasan ay naganap noong ako ay nasa ikalawang taon ko sa kolehiyo at nagpapasiyang pumasok sa isang kilalang seminaryo dito sa kalakhang Maynila. Naging taong simbahan po ako at nasali sa grupo ng mga kabataang naglilingkod bilang lector at commentator sa mga misa. Naging malapit ako sa aming kura paroko noong mga panaho na iyon at tinanong niya ako kung gusto ko daw ba subuking pumasok sa seminaryo. Wala namang masama kaya sinubok ko ang aplikasyon. Marami ang nagnanais na makapasok at talagang dadaan ka sa butas ng karayom bago matanggap."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 24#24: NAKASUNOD NA ANINO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
NAKASUNOD ANINO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcastAko si Marie, 42 years old at nakatira sa Pampanga. Isang gabi taong 2004, nasa anim na buwan na akong buntis n'un. Nakahiga na kami at nanonod ng tv, namalayan ko na lamang na tulog na pala siya ang asawa ko. Tinapos ko na lamang ang pinapanood at natulog na rin ako. Mga nasa ilang minuto pa lamang ako ang aking pagtulog nang maramdaman kong parang may nakadagan sa akin at nahihirapan akong huminga. Iminulat ko ang aking mata at laking gulat nang may makita akong tatlong anino na nakatayo banda sa paanan ko.Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 23#23: HINAWAAN NG ASWANG - ASWANG TRUE STORIES (PINOY HORROR STORIES) Sleep podcast
HINAWAAN NG ASWANG - ASWANG TRUE STORIES (PINOY HORROR STORIES) Sleep podcastAng kwentong mapapakinggan natin ay tungkol sa kung paano nga ba nanghahawa ang mga aswang. Pamilyar ba kayo sa ideyang ganito? Curious din ba kayo kung paano nga ba nagiging aswang ang dating isang normal na tao? Pakinggan natin ang unang kwento ni Lolo Quentin.Ang ikalawang kwento naman ay tungkol kay Mang Danny at sa misteryosang babae na lihim nyang iniibig.Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 22#22: KABABALAGHAN NI LOLO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
KABABALAGHAN NI LOLO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcastKumsuta mga tagapakinig ng Sitio Bangungot? Narito pong muli kami para magkwento na naman ng mga totoong karanasan ng ating mga letter senders. Naniniwala ba kayo sa tikbalang? May naniniwala pa ba sa ganitong uri ng nilalang sa panahon ngayon? O sadyang ang mga ninuno na lang natin ang nakaranas na masaksihan sila? Pakinggan natin ang kwento ni Jayson at Carlos.Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 21#21: MULTO NI EX - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
MULTO NI EX - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Mayroon akong nakilalang babae sa isang Dating app. Ilang linggo lang nang magdesisyon kaming mag-meet at gaya ng inaasahan ko—simpleng babae, morena, at house person siya. Hindi ko naman maipagkakailang ganoon talaga ang mga tipo kong babae. Niligawan ko siya at after almost isang buwan sinagot niya ako."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 20#20: MATANDANG PUNO - ENGKANTO TRUE STORIES (PINOY HORROR STORIES) Sleep podcast
MATANDANG PUNO - ENGKANTO TRUE STORIES (PINOY HORROR STORIES) Sleep podcast"Ako nga po pala si Manilyn. Ito po ay nangyari matagal nang panahon. Taong 1995, araw ng bakasyon, ako po ay dise sais anyos na noon at ang aking pinsan ay apat na taon. Tuwing bakasyon ay palagi lang akong nagbabantay sa aming munting tindahan. Ako lang din kasi ang naiiwan sa aming bahay noon. Si Tatay kasi ay maaga pa lang ay nagpupunta na sa bukid. Madalas, hapon o medyo madilim na kapag sila ay umuuwi kaya ako lang talaga ang mag-isa sa bahay."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 19#19: ASO NAGMUMULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
ASO NAGMUMULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Alas syete na noon ng gabi nang makababa ako ng jeep pauwi mula sa trabaho. Sa bandang riles kami ng tren nakatira kaya sa tabi ako ng riles ng tren naglalakad 'nun, at habang naglalakad ako ay suot ko ang headset ko para makinig sa channel nyo. Yun na po ang nakagawian ko dahil medyo malayo pa ang lalakarin, natatapos ko ang isang buong episode. Sa tabi ng riles ng tren kami kasi nakatira. Matao naman kapag ganitong oras. Pero may parte lang talaga ng daan na parang nakakatakot daanan dahil bihira ang tao. Medyo madamo rin at madilim, kaya laging handa ang flashlight ko. Maya-maya may nakita akong pulubi na nakatingin sa akin."Aso ng PulubiSitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 17#17: ALAY SA DEMONYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
ALAY SA DEMONYO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"To protect my privacy, tawagin n'yo na lang po akong Sharlyn. Ang pangyayaring ito ay nangyari noong 1996. Opo, matagal na itong nangyari ngunit hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isip. Sa katunayan, naaalala ko pa ang bawat detalye na para bang kahapon lang ito naganap. Taong 1996 nang ikasal kami ni Franco. Nagkakilala kami sa college at isa s'ya sa mga tinitingala ng mga kapwa ko estudyante. Bukod kasi sa gwapo ay napakabait at napakatalino pa niya. Active s'ya sa iba't-ibang activities sa school, lalo na sa mga fund-raising events. Nalaman ko rin na regular s'yang tumutulong sa mga charitable institutions. Nanggaling rin naman kasi s'ya sa isang mayamang angkan. Ang balita ay major shareholder ng eskwelahan namin ang kanilang pamilya."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 18#18: BULONG - MANGKUKULAM TRUE STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
BULONG - MANGKUKULAM TRUE STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Naranasan n’yo na ba ang minsang may tumawag sa ‘yo pero wala namang tao? May mga sumisitsit pero wala ka namang nakikitang iba na kasama mo? Madalas itong nangyayari sa atin at kapag naiisip mo, hindi ba’t nakakatakot? Pero ang mas nakakatakot ay ‘yong magpapakita sa ‘yo ang nilalang na tumatawag na ginaya pa ang kakilala mo. Kagaya ng unang kwento na ibabahagi natin na ipinadala ni Natalie."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep 11#11: KULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast
KULTO - PINOY HORROR STORIES (TAGALOG TRUE STORIES) Sleep podcast"Magandang araw sa lahat ng tagapakinig ng Sitio Bangungot. Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa mga kulto na nananakit ng mga tao. Nabalitaan nyo na rin ba noon na kapag malalim na ang gabi, sila raw ay nag-iikot at nagsasagawa ng ritwal? Kaya raw nilang mahipnotismo ang biktima kaya naman kusa itong sumasama sa kanila. Kadasalasan, nangyayari raw ito sa malalayong probinsya noon. Pakinggan natin ang mga ibinahaging karanasan nina Red at Kurt."Sitio BangungotYou can contact us at [email protected] kayo sa isa pa naming account na Kwentong Takipsilim Tagalog Horror Stories: https://open.spotify.com/show/394zoq747jdecem0pbExuI Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.