
Kulturang Pilipino: ANIMNAPUNG ARAW ni Dittz Centeno de Jesus (TULA)
Radyo Migrante Toronto · Radyo Migrante
Audio is streamed directly from the publisher (content.rss.com) as published in their RSS feed. Play Podcasts does not host this file. Rights-holders can request removal through the copyright & takedown page.
Show Notes
Nais niyo bang makadiskubre ng mga makabuluhang kanta at tula mula sa iba’t ibang musikero at makata? Ang segment na ito ay magsisilbing espayso para sa ibat’t ibang pagtatanghal ng mga talento ng ating kababayang pilipino.
Si Dittz Centeno De Jesus o Nanay Dittz, ay ina ni Gene Roz Jamil “Bazoo” de Jesus, isang Indigenous Peoples’ Rights Defender from the Cordillera Region na nawawala mula noong April 28, 2023. Si Nanay Dittz ay ang founder and president ng Filipino Women’s League sa Bologna, Italy at editor-in-chief ng Diaspora News and Stories - OFW Watch Italy. Isinulat ni Nanay Dittz ang tulang ito at pi-nost sa kanya Facebook page mahigit animapung araw mula nong sapilitang pagkawala ng anak nyang si Bazoo.
Animnapung Araw
Parang di ko na makayang bilangin
Ang mga araw at gabing dumarating
Maging sa panaginip lagi nang hiling
Duon man lang ikaw ay makapiling.
Nguni't sadyang tadhana ay iwas
Silang may hawak ayaw kang ilabas
Bulag sila sa pang-unawa sa batas
Disin sana ito"y mayroon nang wakas.
Kahit silip man lang kung saan ka naroon
Ipaalam sa amin at kami ay kakaon
Mahigpit na yakap ang isasalubong
Sana nga'y pakinggan,dasal namin sa Poon.
Wala na kaming magawang paraan
Mahanap ang lugar, ikaw ay matagpuan
Ang tanging pag-asa ay maghintay na lamang
Hanggang sa ikaw ay kanilang pawalan.
Anak, malayo kami sa 'yong kinaroonan
Nguni't ang.puso namin ikaw ang nilalaman
Sana balang araw maganda ang kahinatnan
Itong pagdurusang hindi alam hanggang kailan.....Anak...nasaan ka?